Latest NewsBalitang A2Z

Jadine fans, nagsumbong kay Nadine Lustre dahil sa comment reply ni James Reid

Tila naging instant sumbungan ng bayan ang atake ng comment section ng social media ng aktres na si Nadine Lustre matapos itong dumugin ng Jadine fans.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Tila naging instant sumbungan ng bayan ang atake ng comment section ng social media ng aktres na si Nadine Lustre matapos itong dumugin ng Jadine fans.

Sa latest TikTok post ng aktres kung saan may inieendorso siyang healthy drink, makikita ang sunud-sunod na mga komento na tila nagsusumbong sa kanilang “mommy Nadine.”

Wala namang binanggit na pangalan pero makikita sa ilang photo comments ang girlfriend ni James Reid na si Issa Pressman.

Bago nangyari ang sumbungan segment sa post ni nadine nag-post si James Reid ng TikTok video na kumakanta habang naggigitara.

Kaya naman maraming faney ang nagko-comment ng throwback pictures ng Jadine na agad naang binuweltahan ni James Reid sa caption na marami pa ring bitter na ayaw makita syang masaya.

ADVERTISEMENT

Ngunit duda ng jadine fans hindi si James ang nasa likod ng naturang komento kundi ang kanyang dyowa na si Issa.

Samantal, wala namang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang hinala ng mga netizens.

What do you feel about this article?