News LightLatest News

ICC, ipinag-utos ang medical exam kay dating Pangulong Duterte kung kakayanin niya ang paglilitis | News Light

Inutusan ng International Criminal Court (ICC) ang pagpapasailalim kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa medical examination para tukuyin kung fit pa siyang humarap sa paglilitis kaugnay ng kasong crimes against…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Inutusan ng International Criminal Court (ICC) ang pagpapasailalim kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa medical examination para tukuyin kung fit pa siyang humarap sa paglilitis kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Bunga ang utos ng mosyon ng depensa noong Agosto na humihiling ng indefinite suspension ng proceedings dahil sa paglala ng kalusugan ng dating Pangulo.

Sa nine-page na desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I, tatlong independent experts — isang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at geriatric neurologist — ang itinalaga para suriin ang kalusugan ni Duterte at kung may senyales ng anumang kondisyon tulad ng pagkakalimot.

Sa kabila nito, matatandaang nabanggit kamakailan ni Vice President Sara Duterte na nag-aalala at malungkot ang dating Pangulo sa kalagayan ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang isumite ang resulta ng examination sa October 31.

What do you feel about this article?