
Patay ang driver ng isang fuel tanker habang pito (7) ang sugatan, kabilang ang mga sakay ng dalawang tricycle, matapos magliyab at sumabog ang nasabing sasakyan sa Barangay Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon, kaninang umaga.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, nawalan umano ng kontrol ang fuel tanker at sumalpok sa ilang sasakyan sa kalsada.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang sanhi ng aksidente.

