SportsLatest News

Carlos Yulo, hindi makasasali sa 2025 SEA Games | News Light

Hindi lalahok si Olympic gymnastics champion Carlos Yulo sa 2025 Southeast Asian o SEA Games sa Bangkok, Thailand dahil sa ipinatupad na limitasyon ng host country sa artistic gymnastics.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Hindi lalahok si Olympic gymnastics champion Carlos Yulo sa 2025 Southeast Asian (SEA) Games sa Bangkok, Thailand dahil sa ipinatupad na limitasyon ng host country sa artistic gymnastics.

Ayon sa bagong patakaran, isang apparatus lamang ang maaaring salihan ng bawat lalaking gymnast sa individual events.

Suportado naman ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion ang desisyon ni Yulo na magpahinga muna at bigyang-daan ang kanyang mga kasamahan sa koponan.

Ayon kay Carrion, panahon na rin para ipakita ng iba pang atleta ang kanilang galing sa international stage.

What do you feel about this article?