Kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers na natagpuan na ang dalawang nawalalang pinay OFWs sa Hong Kong matapos na unang mapaulat na pawang nawawala.
Pero ayon kay Migrant Workers chief Hans Leo Cacdac, sinibak na ng sariling amo sa kani-kanilang trabaho sina Imee Paubay at Aleli Tibay.
Nakuha na ng dalawa ang kanilang mga gamit pero susubukan pa ring makipag-usap sa employer habang inaayos ng DMW ang posibleng repatriation.
Nasa kustodiya na ng Philippine Migrant Workers ang dalawa kung saan isasailalim sila sa medical checkup at psychosocial counseling.
ADVERTISEMENT
Patuloy pa rin namang iniimbestigahan ng DWM ang dahilan ng kanilang pagkawala.
Ayon sa paunang salaysay, nawala umano sila habang nagha-hiking sa lung mun country trail.

