Target ng Bureau of Customs na maisubasta sa November 15 ang 13 luxury cars ng kontrobersyal na mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno aabot sa mahigit P200 milyon hanggang P220 milyong ang posibleng kikitain ng pamahalaan sa bentahan.
Base sa ulat, sa tatlumpung kotse ng mag-asawa 13 ang may warrant of seizure dahil walang import entry at certificate of payment.
Habang ang labimpitong kotse naman bagaman may papel ay sasailalim pa rin sa post-clearance audit.
Kaugnay ng reorganisasyon, nagrekomenda rin ang customs sa Independent Commission for Infrastructure na kasuhan ang mahigit sampu nilang tauhan na nauugnay sa iligal na luxury cars ng Discaya couple.
ADVERTISEMENT
Aminado rin aniya ang Customs na nasaktan ito sa 2025 report ng United States State Department na ang customs ang isa sa pinaka-kurakot na ahensya sa Pilipinas.
Gayunpaman, bukas din si Nepomuceno sa anumang imbestigasyon laban sa ahensiya.
Samantala, kinumpirma naman ng kampo na mananatili sa kustodiya ng senado ang mag asawang kontratista matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court ang kanilang habeas corpus.

