Latest NewsBalitang A2Z

Tauhan ni DPWH chief Dizon, nakikipagkita umano sa mga kontratista sa flood projects, ayon kay Batangas Rep. Leviste

Ibinunyag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umano'y nakikipagkita ang ilang miyembro ng team ng DPWH sa ilalim ni Public Works chief Vince Dizon sa mga kontratistang sangkot sa mga…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ibinunyag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umano’y nakikipagkita ang ilang miyembro ng team ng DPWH sa ilalim ni Public Works chief Vince Dizon sa mga kontratistang sangkot sa mga kontrobersiyal na flood-control projects at humihingi ng kung anu-ano.

Ayon kay Leviste, isang executive-level official ng dpwh ang tumawag sa kanya para ipaliwanag ang usapin at nangakong iimbestigahan ito.

Hinikayat ni Leviste si Dizon na suriin ang kanyang mga appointee at isiwalat kung sinu-sino ang mga nakipagpulong sa mga kontratista mula nang maitalaga siya sa posisyon.

Sa hiwalay naman na presscon, igiit ni Dizon na walang sinumang undersecretary ng DPWH ang may koneksiyon sa mga kontratista pero tiniyak niyang iimbestigahan niya mismo ang alegasyon.

What do you feel about this article?