Dinagsa ng mahigit 2,000 participants ang ikasampung edisyon ng tinaguriang pinakamalaking digital conference ng Pilipinas ang digicon 2025.
Tampok sa unang araw ng event sa Marriott Hotel, Pasay City ang keynote speaker at international adviser ng major tech companies na si Dex Hunter Torricke, kasama ang ilan pang bigating industry players na dinala rito ng Digital Marketing Association of the Philippines.
Ayon sa DMAP, paraan ang pag organisa ng ganitong conference para mabigyan ng kakayahan ang ibat ibang stakeholders sa bansa na makasabay sa pagbabago ng teknolohiya.
At imbes na katakutan ang mga bagong technology, isinusulong ng digicon sa mga pinoy na aralin at magsanay rito lalot malaki ang tulong ng makabagong tools para maging mas mabisa sa anumang industriya.

