Latest NewsBalitang A2Z

Korte, ipinakakansela ang passport ni ex-PCSO chief Garma at Leonardo sa kaso ng PCSO officer na pinaslang

Iniutos ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa Department of Foreign Affairs na kanselahin na ang passport ng dating PCSO General Manager Royina Garma at dating police commissioner Edilberto Leonardo…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iniutos ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa Department of Foreign Affairs na kanselahin na ang passport ng dating PCSO General Manager Royina Garma at dating police commissioner Edilberto Leonardo na itinuturing na umano’y mastermind sa pagpaslang kay dating board secretary ng PCSO na si Wesley Barayuga noong 2020.

Kasama rin sa ipinakakansela ang passport nina Santie Mendoza, Nelson Mariano at Jeremy Causapin na pare-parehong kinakaharap ang kasong murder at frustrated murder.

Ayon sa korte, may malaking peligrong tumakas sa bansa ang mga akusado lalo’t pinaghahanap pa rin sila hanggang ngayon kaya inaprubahan na rin ang hold departure order.

Nakapiit na sa NBI sina Mendoza at Mariano at nakatakdang humarap sa pre-trial sa November 12.

What do you feel about this article?