Hiniling ng Independent Commission on Infrastructure sa Department of Justice ang pagpapalabas ng immigration lookout bulletin order o ILBO laban sa labingsiyam na indibidwal na sangkot umano sa maanomalyang flood-control projects.
Kabilang sa mga ipinapasailalim sa ILBO sina dating kongresista Mitzi Cajayon-Uy, Art Atayde, at ilang district engineers ng DPWH.
Ang ilbo ay nag-uutos sa Immigration na bantayan ang mga taong nasa imbestigasyon para hindi makalusot sa bansa pero hindi pa ito ganap na pagbabawal sa pag-alis tulad ng hold departure order.
Matatandaan noong October 8 humigit tatlumpung opisyal ang naunang inilagay sa ilalim ng lookout order kabilang sina dating House Speaker Martin Romualdez at former Ako Bicol Rep. Zaldy Co na parehong ipinatawag ng komisyon para magpaliwanag sa mga kontrobersiyal na flood-control projects.

