News LightLatest News

Approval ratings ni PBBM at VP Duterte, bumaba noong Setyembre ayon sa Pulse Asia survey | News Light

Bumaba ang approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong nakaraang buwan, ayon sa ulat ng Pulse Asia survey.

Newslight · · 1 min read

Bumaba ang approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong nakaraang buwan, ayon sa ulat ng Pulse Asia survey.

Sa isinagawang survey, bumaba sa 33 percent mula 42 noong Hunyo ang approval ratings ni Marcos, habang mula 59 percent ay nabawasan ng apat na puntos ang ratings ni Inday Sara kaya papalo na lang ito sa 55 percent noong nakaraang buwan.

Binanggit ng Pulse Asia na “disapproval” o pagtutol sa performance ng presidente ang karamihan sa mga sentimyento ng rating nito, habang “ambivalence” o hindi tiyak naman ang lumitaw sa rating ni VP Duterte.

Ang nasabing survey ay sinagutan ng 1,200 respondents mula Setyembre 27 hanggang 30, 2025. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?