Latest NewsBalitang A2Z

SWS survey na nagsasabing kalahati sa mga pinoy ang nais panagutin si ex-Pres. Duterte, ‘not useful’ ayon kay VP Sara Duterte

Kung noon bow na bow sa resulta ng survey kapag maganda at pinupuri.. Ngayon, tila binabale-wala ni Vice Pres. Sara Duterte ang bagong SWS survey result na nagsasabing karamihan sa…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kung noon bow na bow sa resulta ng survey kapag maganda at pinupuri..

Ngayon, tila binabale-wala ni Vice Pres. Sara Duterte ang bagong SWS survey result na nagsasabing karamihan sa mga Pilipino ay gustong panagutin ang kanyang ama na si dating Pang. Rodrigo Duterte hinggil sa mga kaso ng pagpatay sa war on drugs noong kanyang administrasyon.

Ayon kay VP sara hindi daw nakakatulong ang survey sa pilipinas dahil nangyayari sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands ang paglilitis sa kaso.

Tumanggi rin siyang magbigay ng komento sa pagtanggi ng ICC sa hiling ng kanyang ama na interim release o makalaya pansamantala habang nililitis ang kaso.

What do you feel about this article?