Sen. Escudero, dinipensahan ang P30 million donasyon mula sa kontratista ng flood control projects

📅

Dinipensahan ni Sen. Francis Escudero ang P30 million na donasyon na natanggap niya mula sa isang kontratista ng gobyerno noong 2022 national elections.

Sa kaniyang pagsagot sa show-cause order ng COMELEC, sinabi ng kampo ni Escudero na legal at idineklara ang mga ito alinsunod sa batas ang naturang donasyon.

Matatandaang pinagpapaliwanag ng COMELEC si Escudero at ang kanyang donor na si Lawrence Lubiano ng Centerways Construction and Development Inc. sa paglabag umano sa omnibus election code na nagbabawal sa mga government contractor na mag-donate sa mga kandidato.

Isinumite rin sa senado ang isang ethics complaint laban sa senador matapos umanong makakuha ang kompanya ni lubiano ng mahigit P16. 6 billion pesos na kontrata sa Sorsogon mula 2021 hanggang 2025 matapos ang donasyon.

ADVERTISEMENT

Itinanggi naman ni Escudero ang anumang iregularidad at iginiit na personal na donasyon ito mula sa isang kaibigan habang sinabi ni lubiano na personal na ginawa niya iyon at hindi bilang kontratista.