Ipinahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ila livestream ang paparating na bicameral conference committee deliberations para sa 2026 national budget.
Ayon sa pangulo, layunin ng transparency move na iwasan ang mga huling-oras na insertions at mga “small committee deals” na madalas umanong nagdudulot ng kontrobersiya at korapsyon.
Lumabas sa bagong Pulse Asia Survey, na 71% ng mga pilipino ang naniniwalang mapapanagot ang mga tiwaling pulitiko at mga kasabwat sa umano’y korapsyon sa mga flood control projects.
Karamihan o 90& din ang naniniwalang may sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng executive, mga mambabatas, at mga pribadong kontratista sa pang aabuso ng bilyon-bilyong piso para sa flood relief funds.

