Malacañang, dedma sa bumabang trust rating ni PBBM sa latest SWS survey

📅

Dedma ang Malacañang sa pagsadsad ng tiwala ng publiko kay Pang. Ferdinand Marcos jr. batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Ayon kay Communications Usec. Claire Castro hindi iniintindi ni PBBM ang mga survey bagkus mas mahalaga sa kanya na maramdaman ng mga pilipino ang serbisyo ng pamahalaan lalo na ang paglaban sa korapsyon.

Mula sa 48% kasi nitong june bumaba sa 43% ang trust rating ng pangulo ngayong Setyembre.

Iginiit din ng Palasyo na nag-utos ang pangulo ng mga imbestigasyon sa mga manomalyang proyekto sa flood control projects matapos niyang pagsabihan ang mga tiwaling opisyal sa kanyang ika-apat na SONA.

ADVERTISEMENT

Samantala, bumaba rin ang tiwala kay vice president Sara Duterte mula 61% noong june sumadsad din siya sa 53% nitong nakaraang buwan.

Nanindigan si Vice Pres. Sara Duterte na nanatiling “committed” ang kanyang tanggapan sa paghatid ng serbisyo sa mga pilipino sa kabila ng pagbaba ng kanyang trust rating sa pinakabagong survey ng social weather stations.