Aminado ang bagong itinalagang chairman ng Office of Transportation Cooperatives na si Atty. Teofilo Guadiz III na humaharap sa malalaking problema ang PUV modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay Guadiz, maraming transport cooperatives sa iba-ibang lugar sa bansa gaya ng Western Visayas, Cagayan de Oro, General Santos, Cebu at Metro Manila ang hindi nakakabayad sa kanilang mga bank loan para sa modern jeepneys na umaabot umano sa hanggang isandaang milyong piso ang utang ng iba.
Iginiit naman ni Guadiz na hindi korapsyon ang problema kundi “fiscal mismanagement” dahil ang pondo para sa loan payment ay ginamit sa mga personal na luho gaya ng pagbili ng sasakyan.
Dahil dito nawawalan na raw ng tiwala ang mga bangko tulad ng landbank at development bank of the philippines na pautangin pa ang mga kooperatiba.
ADVERTISEMENT
Plano namang ipa-restructure ni Guadiz ang mga loan mula sa limang taon hanggang walong o sampu para mas madaling bayaran.
Maglo-launch din ng financial training para sa mga miyembro ng kooperatiba na dati ay mga tsuper para maisalba ang sitwasyon.

