Mga ka-A2Z.
Asahan na po ang maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat dahil sa Easterlies.
Mararanasan ito, sa Metro Manila, Visayas, CALABARZON, MIMAROP, Bicol, Nueva Ecija, Aurora, Bulacan hanggang Mindanao.
ADVERTISEMENT
Babala naman ng pagasa posibleng flash floods at landslides ang maaaring maranasan kaya ingat po.
Habang asahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa Batanes, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte na may panaka-nakang pag-ambon dulot ng northeasterly windflow.
Samantala, patuloy na mino-monitor ng pagasa ang isang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility na posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw.
ADVERTISEMENT
May layo itong 1,765 kilometers silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Papangalanan itong “Ramil” sakaling mabuong bagyo.
Posibleng lumapit ito sa hilagang Luzon at magdala ng malalakas na ulan sa malawak na bahagi ng Luzon pagdating ng weekend.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, posible namang magbago pa rin ang direksiyon LPA.

