Saglit na inilabas sa senado ang pinatalsik na DPWH Bulacan engineer na si Henry Alcantara matapos magreklamo ng pananakit sa dibdib nitong Lunes.
Ayon kay Senate sergeant-at-arms PMGen. Mao Aplasca, dinala si Alcantara sa pasay medical center para isailalim sa ECG at iba pang test.
Lumabas sa resulta na muscle spasm lamang ang sanhi ng kanyang pananakit kaya makalipas ang dalawang oras agad siyang ibinalik sa senate detention.
Kasama ni alcantara na nakadetine ang dalawang dating dpwh engineer at isang kontratista kaugnay ng korapsyon sa mga flood control projects.



