Lubog sa tubig ang malawak na bahagi ng Thai Nguyen province sa Vietnam matapos ang malakas na ulan at pagbaha dulot ng bagyong Matmo.
Umabot sa halos dalawang metro ang taas ng tubig.
Habang tinamaan din ng matinding pagbaha ang mga lalawigan ng Cao Bang, Bac Ninh at Lang Son.
Sa tala, mahigit walong katao na ang nasawi at libu-libong residente ang lumisan na sa kani-kanilang mga tirahan.
ADVERTISEMENT
Nagsasagawa naman na ng rescue ang mga otoridad sa loob at labas ng hanoi.
Nagbabala ang naman ang mga opisyal na maaaring magtagal ng hanggang apat na araw bago tuluyang humupa ang tubig-baha.

