Nanindigan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nananatili sa matibay na pundasyon ang kanyang administrasyon sa kabila ng mga umano’y pagsubok na paangatin ang mga balak na destabilization sa pamahalaan at umano’y planong coup d’état sa kasundaluhan.
Ayon sa Pangulo, patuloy ang suporta ng mahahalagang sektor ng lipunan sa mga programa at adhikain ng administrasyon.
Gayunpaman, aminado ang pangulo na delikado rin ang maging kampante kaya patuloy niyang titiyakin na mananatiling kaalyado at suportado ang lahat ng sektor.
Bukas din si Marcos sa dayalogo sa mga grupong may hinaing para mapakinggan ang kanilang mga panig at mapagtibay ang kooperasyon sa gobyerno.



