2 OFW na nawawala sa hong kong, hinahanap pa rin; DMW may mga leads na sa imbestigasyon

📅

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Hong Kong sa pagkawala ng dalawang Overseas Filipino Workers na sina Imee Pabuaya, 24 years old at Aleli Tibay, 33 years old.

Ayon kay Department of Migrant Workers chief Hans Leo Cacdac may mga bagong leads mula sa mga pamilya ng mga nawawala batay sa huling pakikipag-usap ng mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

Batay sa impormasyon ng hong kong authorities walang record ng paglabas ng bansa ang dalawa kaya naniniwalang nasa hong kong pa rin ang mga ito.

Tiniyak naman ng ahensya na nakasubaybay sila sa kaso at patuloy na magbibigay ng tulong ang OWWA sa mga pamilya ng mga nawawalang OFW.