Latest NewsBalitang A2Z

11-foot Oarfish, natagpuang patay sa Mindoro; paniniwalang senyales ito ng kalamidad, umugong sa mga residente

Natagpuang patay ang isang labing-isang talampakan na Oarfish sa baybayin ng Brgy. Dalahican sa San Jose, Roxas, Oriental Mindoro Martes ng hapon.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Natagpuang patay ang isang labing-isang talampakan na Oarfish sa baybayin ng Brgy. Dalahican sa San Jose, Roxas, Oriental Mindoro Martes ng hapon.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, nakita ang Oarfish ng isang mangingisda na papalapit sa dalampasigan bago ito namatay.

Ito ang unang paglitaw ng Oarfish sa nasabing barangay.

Muli namang nabuhay ang mga paniniwala na masama itong pangitain na kadalasa’y senyales ng lindol o tsunami.

Pero, nilinaw ng mga eksperto na walang ebidensiya na nag-uugnay sa paglitaw ng Aarfish at mga lindol.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa BFAR, maaaring umahon ang mga Oarfish dahil sa sakit, injury, o pagbabago ng kondisyon sa dagat gaya ng temperatura at mga alon.

Habang tiniyak ng PHIVOLS na walang koneksiyon ang Aarfish sa mga nare-record na lindol sa bansa at normal lamang itong mga paggalaw dahil sa tectonic and volcanic activities.

What do you feel about this article?