News LightLatest News

Water impounding dam ng administrasyong Marcos Jr., ibinida ng Pangulo sa mga magsasaka sa Cagayan | News Light

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang water impounding dam ng kanyang administrasyon sa mga magsasaka sa Claveria, Cagayan.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang water impounding dam ng kanyang administrasyon sa mga magsasaka sa Claveria, Cagayan.

Ayon sa pangulo, inabot lang ng 14 na buwan ang pagpapatayo ng Union Water Impounding Dam.

Makatutulong aniya ang water impounding dam hindi lang sa kinakailangang irigasyon ng mga magsasaka dahil magsisilbi rin itong flood control.

Aabot sa 3,600 na ektaryang lupain ang maaabot ng irigasyon habang 1,000 magsasaka naman ang makikinabang dito.

ADVERTISEMENT

Ang Union Water Impounding Dam ay kabilang sa Mga Kalsada Tungo sa Patubigan Program ng National Irrigation Administration at Department of Public Works and Highways.

What do you feel about this article?