Latest NewsBalitang A2Z

Student walkout, ikinasa VS P6.7 billion budget cut sa mga state universities and colleges

Ikinasa ng mga mag-aaral ang malawakang student walkout bilang pagkondena sa P6.7 bilyong pisong tapyas sa budget ng mga state universities at colleges.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ikinasa ng mga mag-aaral ang malawakang student walkout bilang pagkondena sa P6.7 bilyong pisong tapyas sa budget ng mga state universities at colleges.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Renee Co apektado ng budget cut ang dalawampu’t limang state universities at colleges sa bansa sa inaprubahang panukala ng kamara.

Kaya naman kasabay ng national youth day of action isasagawa ang ‘national day of walkout’ sa biyernes, Cctober 17 kung saan magsasama-sama ang mga iskolar ng bayan mula sa iba’t ibang pamantasan.

Layon ng protesta na manawagan sa makatarungang pondo tungo sa dekalidad na edukasyon.

What do you feel about this article?