Ikinasa ng mga mag-aaral ang malawakang student walkout bilang pagkondena sa ₱6.7-b tapyas sa budget ng mga state universities and colleges.
Ayon kay Kabataan Party-list Representative Renee Co, apektado ng budget cut ang 25 state universities and colleges sa bansa sa inaprubahang panukala ng Kamara.
Kaya naman, kasabay ng National Youth Day of Action, isasagawa ang “National Day of Walkout” sa Biyernes, October 17, kung saan magsasama-sama ang mga iskolar ng bayan mula sa iba’t ibang pamantasan.
Layon ng protesta na manawagan sa makatarungang pondo tungo sa dekalidad na edukasyon.

