Nais ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro na maanyayahan ng Independent Commission for Infrastructure para linisin ang kanyang pangalan matapos siyang maiugnay sa umanoy maanomalyangflood control projects.
Nabanggit ang pangalan ni Teodoro sa senate hearing noong nakaraang buwan ng kontratistang si Curlee Discaya.
Giit ni Teodoro, hindi siya dapat maisama sa mga mambabatas na umano’y may insertions o proyekto dahil ilang buwan pa lamang siyang naglilingkod bilang kongresista.
Dagdag pa ng mambatatas, pinag-aaralan na niya ang pagsasampa ng perjury case laban kay Discaya dahil sa pagbanggit ng kanyang pangalan sa pagdinig ng senado.

