Pinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT) ang pagpasok ng Pilipinas sa 2025 World Travel Awards.
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, mapapatibay nito ang Pilipinas lalo na at napapansin na ang kagandahan nito sa buong mundo.
Kinilala ang DOT bilang Asia’s Leading Tourist Board. Ang Clark Freeport Zone at Boracay naman ay tumanggap ng top honors bilang luxury island at conference tourism destination.
Nakakuha naman ang Pilipinas ng pangwalong titulo sa Asia’s Leading Beach Destination, dalawang beses bilang Asia’s Leading Island Destination, at pitong consecutive win sa Asia’s Leading Dive Destination. (Austin Gonzaga/ News Light)

