PBBM, iginiit na posibleng makagawa ng epektibong flood control project kahit may imbestigasyon sa anomalya

📅

Posibleng maisakatuparan ang epektibong flood control projects sa ilalim ng administrasyong Marcos junior sa kabila ng imbestigasyon sa mga umanoy anomalya sa infrastructure programs.

Sa pahayag ng pangulo sa inagurasyon ng union water impounding dam sa Claveria, Cagayan, ipinagmalaki niya ang proyekto ng National Irrigation Administration na natapos sa loob ng labing-apat na buwan.

May weir o barrier structure ang dam sa Brgy. Union at Cadcadir na kayang kontrolin ang daloy ng tubig para maiwasan ang baha.

Dagdag pa ni PBBM, maaaring makagawa ng maayos at epektibong flood control kung maayos ang disenyo at implementasyon.

ADVERTISEMENT

Nagsisilbi rin bilang pang-irigasyon ang naturang dam sa mahigit 3,600 ektaryang sakahan sa Cagayan.

Plano naman ng mga lokal na opisyal na gawin itong solar project at tourism project sa susunod na mga taon.