Latest NewsBalitang A2Z

Minimum wage workers sa Central Luzon, may salary increase simula October 30

Good news. Dahil may dagdag-sahod po na inaasahan ang mga minimum wage at domestic workers sa Central Luzon simula October 30.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Good news.

Dahil may dagdag-sahod po na inaasahan ang mga minimum wage at domestic workers sa Central Luzon simula October 30.

Ayon sa regional tripartite wages and productivity board 3, tataas ang daily minimum wage sa P570 ang mga non-agriculture workers sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.

Inaasahang aabot pa ito sa P600 sa ikalawang tranche sa April 16, 20 hanggang 26.

Habang magiging P540 naman ang sahod sa sektor ng agrikultura sa katapusan ng Oktubre at P570 naman pagsapit ng April.

ADVERTISEMENT

Tataas din ang sweldo ng mga nasa retail at service sector.

Samantala, makakatanggap ng P6,500 bawat buwan ang mga household workers sa rehiyon mula sa dating P6,000.

Layunin ng increase na pataasin ang antas ng pamumuhay ang mga manggagawa at maibalik ang kanilang purchasing power.

What do you feel about this article?