Sa true ba??
Hot topic ngayon sa social media sina grammy award winning singer Katy Perry at former Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos ma-hulicam na magkasama sa isang yate.
Sa kuhang viral sa socmed, kitang-kita na magkayakap at magkahalikan pa ang dalawa na talaga namang very sweet sa isa’t isa.
Ang tanong tuloy ng madami sila na ba?
ADVERTISEMENT
Matatandaang unang umugong ang balita na ‘dating’ ang dalawa noong July nang mai-spotan din na magkasama sa isang restaurant sa Canada.
Wala pa namang pahayag sina Katy at Trudeau hinggil sa isyu!

