Binanatan ni House ethics committee chairman at 4p’s partylist Rep. JC Abalos si Cavite 4th district Rep. kiko barzaga matapos dumating nang late sa sarili niyang ethics hearing nitong Lunes.
Sa kanyang ambush interview, inamin ni barzaga na nahuli siya dahil nagpuyat umano siya sa paglalaro ng computer games.
Giit ni Abalos, hindi katanggap-tanggap ang ganitong dahilan mula sa isang mambabatas at bilang public servant.
Aniya, kung hindi nagbibiro dito si Barzaga dapat siyang managot sa komite.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ni Abalos kung may pananagutan kapag nahuhuli ang isang ordinaryong manggagawa mas lalo na aniya ang mga opisyal ng gobyerno dahil bawat segundo at minuto ay binabayaran ng taxpayers.

