Latest NewsBalitang A2Z

DoH, tiniyak na walang outbreak ng flu-like illnesses sa NCR

Mga ka-A2Z, uso po ang kaliwa’t kanang lagnat, ubo at sipon ngayon. Pero tiniyak po ng Department of Health, na walang outbreak o epidemya ng influenza-like illnesses o ili sa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Mga ka-A2Z, uso po ang kaliwa’t kanang lagnat, ubo at sipon ngayon.

Pero tiniyak po ng Department of Health, na walang outbreak o epidemya ng influenza-like illnesses o ili sa Metro Manila.

Ayon kay Health chief Teodoro Herbosa, pasok pa rin sa normal na dami tuwing flu season ang nasa 133,000 na kaso ng ILIsa bansa at hindi pa lampas sa 135,000 na naitalang kaso noong nakaraang taon.

Aniya, tuwing ber months talagang dumadami ang flu cases pero nasa normal na level pa ito.

Dapat din nakabatay sa science at data ang pagdedeklara ng outbreak at hindi sa mga usap-usapan at kwentuhan lamang.

ADVERTISEMENT

Iginiit din ni Herbosa, na hindi lang dahil sa mga flu cases ang suspensyon ng klase sa ilang lugar kundi para rin sa pag-inspeksyon ng mga eskwelahan matapos ang magkakasunod na lindol.

Gayunpaman, pinayuhan pa rin ng DoH ang publiko na maghugas ng kamay magsuot ng mask at mag-isolate kapag may sakit.

What do you feel about this article?