Latest NewsBalitang A2Z

Dalawang LPA, binabantayan ng pagasa; 1 LPA, posibleng maging bagyo at papangalanang ‘Ramil’

Binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Namataan ang isang LPA may layong 130 kilometers east, northeast ng Baler, Aurora.

Ayon sa Weather bureau, mababa ang tsansa nitong maging bagyo pero magdudulot pa rin ito ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol.

Ang ikalawang LPA naman, ay nasa humigit 1,700 kilometers east, northeast ng Mindanao at nasa labas ng PAR.

May katamtaman itong tyansang maging bagyo sa susunod na 24 na oras.

ADVERTISEMENT

Sakali namang pumasok na ito sa par sa Biyernes at maging ganap na bagyo papangalanan itong “Ramil.”

Inaasahang tutungo ito sa pahilagang Luzon sa weekend o patungong taiwan sa susunod na linggo.

What do you feel about this article?