Muling kinilala ang ganda Pilipinas sa buong mundo matapos makapasok ang Boracay, Palawan, at Siargao sa listahan ng top 10 islands in Asia ng Condé nast traveler 2025 readers’ choice awards.
Pang-apat ang Boracay sa listahan na nakakuha ng halos 91 points sinundan ng Palawan sa ika-limang puwesto at siargao naman sa ika-pitong puwesto.
Habang nanguna naman sa listahan ang Phú quc ng Vietnam na may 96 points.
Ayon kay Tourism chief Christina Frasco: patunay ang pagkilalang ito ng pagsisikap na mapanatili ang likas na ganda ng mga destinasyon at itaguyod ang sustainable tourism para sa kapakanan ng lahat ng pilipino.
ADVERTISEMENT
Matatandaang lumusot ang apat na lugar sa pilipinas noong 2024 kasama ang Cebu sa asia’s top 10.
Kaya naman, choose Philippines!

