Mabuhay Philippines!
‘Yan ang surprise social media post ni Irish American TV host at comedian na si Conan O Brien
sa kanyang paglapag sa bansa.
Nagulantang nga ang Philippine social media nang inanunsyo ni Conan na nasa Pilipinas siya sabay share ng selfies kasama ang ilang swerteng pinoy fans habang nag iikot sa BGC.
Ayon sa team Coco, nasa bansa si Conan para magfilm ng panibagong season ng kanyang Emmy winning comedy travel documentary show na “Conan o brien must go”.
ADVERTISEMENT
Si Conan ay isa sa pinakasikat na komedyante sa mundo na naguwi nga kamakailan ng Mark Twain prize for american humor at nakatakda ring muling maghost ng upcoming academy awards.


