Mula sa pagiging mahusay na dancer ngayon ay mahusay na aktres pa.
‘Yan ay matapos makuha ni Rochelle Pangilinan ang best supporting actress award sa 21st Cinemalaya.
Naging emosyonal at hindi pa rin makapaniwala yan ay matapos tawagin ang kanyang pangalan at iuwi ang pagkilala para sa independent film na “child no.82 (Anak ni boy kana)”.
Ayon pa kay Rochelle, maaari na niyang sabihin ng buong puso na tunay ngang isang ganap na aktress na siya ngayon matapos makamit ang pagkilala.
Nagpapasalamat din sila sa mga hurado, manonood na bumoto dahil ang kanilang pelikula rin ang itinanghal na audience choice award at pati na rin ang best screen play para sa isang full length film.

