News LightLatest News

Panukalang libreng funeral service para sa mahihirap, isinabatas na | News Light

May karapatan nang makatanggap ng libreng serbisyong libing mula sa pamahalaan ang mahihirap ngayong naisabatas na ang Republic Act No. 12309 o ang Free Funeral Services Act.

Newslight · · Updated · 1 min read

Coffin with deceased during a funeral memorial service

May karapatan nang makatanggap ng libreng serbisyong libing mula sa pamahalaan ang mahihirap ngayong naisabatas na ang Republic Act No. 12309 o ang Free Funeral Services Act.

Sa ilalim ng batas na ito, gagamitin ng Department of Social Welfare and Development ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) fund para sagutin ang pagpapalibing sa mga Pilipinong hindi kayang makakuha ng mga pangunahing pangangailangan, katulad ng pagkain, kalusugan, tubig, at iba pa.

Pasok rin sa programa ang mga naapektuhan ng kalamidad at disasters, kung wala itong kakayahang makakuha ng maayos na funeral services.

Magpakita lamang ng valid ID, death certificate mula sa ospital o lokal na health office, at funeral contract ang kaanak ng namatayan o representative para makuha ang serbisyo.

ADVERTISEMENT

Ang mga funeral establishment na lalabag sa batas ay pagmumultahin ng ₱200,000 hanggang ₱400,000 na fine, kasama ang pagpapasara ng anim na buwan hanggang kanselasyon ng prangkisa para makapag-operate. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?