Mga ka-A2Z may kaunti pong dagdag-bawas sa produktong petrolyo ng mga pangunahing kumpanya na sasalubong sa ating lahat ngayong Martes.
Sa abiso ng Department of Energy nasa ¢30 ang dagdag sa bawat litro ng gasolina.
Pero ¢20 naman ang tapyas sa bawat litro ng kerosene.
Habang, wala naman paggalaw sa bawat litro ng diesel.
ADVERTISEMENT
Samantala, bunsod ang naturang dagdag-bawas mas mabilis ang pagtaas ng global supply kumpara sa demand pagdating sa international market.
Pagtaas ng imbakan ng langis sa estados unidos kasunduan ng Israel at hamas sa unang yugto ng planong tapusin ang digmaan sa Gaza at pansamantalang pagsasara ng pamahalaan ng Amerika.

