Kalahati ng mga Pinoy, nais panagutin si Ex-Pres. Duterte sa war on drug killings, ayon sa SWS

📅  |  ✏️ Updated

Naniniwala ang kalahating bilang ng mga pilipino na dapat panagutin si dating Pang. Rodrigo Duterte hinggil sa mga pagpatay na iniuugnay sa kanyang war on drugs.

Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations sa 1,500 respondent na tinanong mula September 24 hanggang 30 lumalabas na 50% o isa sa bawat dalawang pinoy ang sumang-ayon na dapat papanagutin si Duterte at 32% ang hindi sang-ayon dito.

Habang 15% naman ng mga respondent ang walang desisyon at four percent ang hindi sumagot.

Pinakamataas ang suportang nakuha sa Visayas na may 54% sinundan ng Metro Manila at Luzon, habang pinakamababa sa Mindanao na may 39% lamang.

ADVERTISEMENT

Lumabas ang survey matapos tanggihan ng International Criminal Court ang hiling ni Duterte na aprubahan ang interim release dahil kailangan umano siyang manatili sa kustodiya para hindi mahadlangan ang imbestigasyon at posibleng muling gawin ng krimen.