Matapos ang ramming incident ng China Coast Guard sa bfar vessel nitong October 12, isang Chinese naval helicopter naman ang namatyagang bumubuntot naman sa eroplano ng Philippine Coast Guard na may sakay na mga mamamahayag habang nasa maritime patrol mission sa Scarborough shoal ngayong Lunes, October 13.
Ayon sa PCG, sinundan ng Chinese helicopter ang islander plane mula sa malayong distansiya habang nagsasagawa ng maritime domain awareness flight ang Pilipinas para idokumento ang iligal na aktibidad ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Patuloy namang nananawagan ang PCG sa China ng pagsunod sa International law at pagrespeto sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.


