Maaaring arestuhin ng International Criminal Court (ICC) si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung hihilingin ng prosekusyon, habang sinusuri pa ang kalagayan ni former president Rodrigo Duterte bago litisin, ayon kay ICC-accredited assistant to counsel Kristina Conti.
Bunsod ito ng naantalang pagdinig kay Duterte na nakatakda sana noong Setyembre 23, dahil hindi umano “fit to trial” ang dating pangulo ayon sa kanyang kampo.
Ayon kay Conti, buo na ang kaso ng prosekusyon laban kay Dela Rosa at walong iba pang pinakapananagot, kabilang ang dalawang pulis, isang itinalagang opisyal, at isang malapit na kaibigan.
Gayunman, posibleng mahirapan ang pag-aresto kay Dela Rosa dahil sa kanyang posisyon bilang senador, at dahil maaari pagtanggi ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at iba pang ahensiya na panagutin siya.
ADVERTISEMENT
Samantala, ang pinakamaagang petsa ng pagdinig kay Duterte ay sa Enero o Pebrero ng susunod na taon dahil sa umano’y problema nito sa kalusugan at mga posibleng apela ng kanyang panig, ayon pa rin kay Conti.
Si Dela Rosa, na hepe ng Philippine National Police noong administrasyong Duterte, ang nanguna sa madugong kampanya kontra droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng dating pangulo noong Marso at pagkakakulong nito sa The Hague, Netherlands dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao. (Denniel Salayo/ News Light)

