News LightGood News

‘Gospel rap’ nagpapatingkad sa pananampalataya: Genfel Gervacio, maglalabas ng bagong single na “Panalangin” | News Light

Hindi na limitado sa mga slow melody ang pag-aalay ng papuri! Ngayon kasi, lalong lumalawak ang worship at tinatanggap na ang iba’t ibang genre, kasama na ang mga patok sa…

Newslight · · 1 min read

Hindi na limitado sa mga slow melody ang pag-aalay ng papuri!

Ngayon kasi, lalong lumalawak ang worship at tinatanggap na ang iba’t ibang genre, kasama na ang mga patok sa kabataan tulad ng gospel rap.

Isa sa mga nagpapatunay nito ay si Genfel Gervacio na sa pamamagitan ng pagra-rap, mas malalim at mas naipapahayag niya ang kanyang pananampalataya at pasasalamat sa Diyos.

Ipinapakita niya na ang beat at rhyme ay puwedeng maging makabagong paraan ng pagdarasal at pagsamba.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang maglabas si Genfel Gervacio ng bagong single na pinamagatang “Panalangin” featuring SV Valladolid, at magiging available ito sa iba’t ibang music platform.

Ano man ang inyong paboritong genre — maging pop, R&B, o rap — maaari mo itong gamitin upang ilahad ang iyong panalangin at papuri sa Panginoon! (Benedict Quejado/ News Light)

What do you feel about this article?