Alfonsi Daquigan, gumawa ng kasaysayan sa Asia Talent Cup matapos ang back-to-back wins | News Light

📅

Hindi makapaniwala si Filipino racer Alfonsi Daquigan matapos ang kanyang makasaysayang back-to-back wins sa 2025 Asia Talent Cup sa Mandalika, Indonesia ngayong Oktubre.

Sa edad na 16, si Daquigan ang kauna-unahang Pilipinong nanalo sa Asia Talent Cup, kung saan sabay pa niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan at unang career victory.

Sa Race 1, bagama’t napatawan ng double lap penalty, hindi siya natinag at matagumpay na nakabawi para makuha ang panalo.

Nasundan ito ng isa pang tagumpay sa Race 2, na nagpatibay ng kanyang pangatlong puwesto sa overall standings bago ang huling round.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Daquigan, parang panaginip ang lahat at masaya siya na nagbunga ang lahat ng kanyang pagsusumikap.

Congratulations, Alfonsi!