Wagi ng nobel peace prize ngayong taon si Venezuelan opposition leader Maria Corina Machado.
Kinilala ng Norweigan nobel peace panel ang tinagurianng iron lady ng Venezuela dahil sa kanyang pambihirang tapang na tumindig laban sa authoritarian regime sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay.
Pinamunuan rin ni Machado ang mapayapang mga protesta sa kanilang bansa para sa paglipat ng kanilang pamahalaan mula sa diktadurya patungo sa demokrasya.
Samantala, muli namang nabigo si U.S. Pres. Donald Trump na makuha ang prestihiyosong parangal.
ADVERTISEMENT
Sa kabila ng kanyang hayagang kampanya na maiuwi ito. Hindi na lihim sa publiko na noon pa gusto ni Trump na mapabilang sa listahan ng American presidents na nabigyan ng nobel prize.
Pero mas maigting ang ingay ukol rito nitong mga nakaraang buwan lalo’t malaki ang naging papel ni Trump at ng amerika sa pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at hamas para wakasan na ang gyera sa Gaza.

