Heritage meets fashion meets palaro!
Tampok sa katatapos lang na Terno Con 2025: palaro ang fusion ng sports wear at kasuotang Pilipino with a twist!
Isa-isang rumampa sa buong FIFA-certified MOA sky football pitch ang mga modelong suot ang mga athletic-inspired terno designs na pinartneran pa ng tradisyong Pinoy at playfulness.
Simbolo aniya ng kanilang pagrampa sa football pitch ang kakayahan ng talento at pagkamalikhain ng mga pinoy na mangibabaw sa anumang lugar at pagkakataon.
Tampok sa Terno Con ang mga obra nina Jo Ann Bitagcol, Renz Reyes, Glyn Alley Magtibay, Hannah Adrias, Car Jan Cruz, at Len Cabili.
ADVERTISEMENT
Sumentro sa temang “Palaro” ang Terno Con ngayong taon na sumasalamin sa malikhaing pagpapahayag cultural pride at selebrasyon ng kulturang pinoy.
May pagkakataon din ang publiko na makita up close ang mga obra sa exhibit sa main atrium ng mall hanggang October 20.

