Tututulan ng senado ang habeas corpus petition sa Pasay Regional Trial Court ng kontratistang sina Curly at Sara Discaya.
Ayon kay Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III mananatili sa kustodiya ng senado ang mag-asawang Discaya na anila’y maituturing na blessing in disguise pa nga para sa mga imbestigador ng flood control scandal.
Ipinunto din ni Sotto, na may kasunduan na sila noon kay dating Justice chief at ngayong Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sa senado mananatili ang mga idineklarang under contempt.



