Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines para ipanawagan na panagutin ang mga sangkot sa korapsyon.
Bukod sa isyu sa flood control, hiling din ng mag-aaral na taasan ang budget ng unibersisad at tumugon ang pamahalaan sa iba pang pangunahing isyu sa bayan.
Habang, nakaalerto naman ang Philippine National Police para sa kilos protesta para maiwasan ang anumang kaguluhan tulad ng naganap na riot sa Maynila noong September 21.
Sinabi naman ng pambansang pulisya na wala naman silang nakikitang malaking banta sa seguridad sa gitna ng isinagawang protesta kontra korapsyon.


