Matapos ang higit dalawang taon ng giyera, idineklara na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas noong Biyernes.
Hinihintay na ng Israel ang pagbabalik ng mga hostage mula sa Gaza, samantalang inaabangan na ng mga Palestinian ang paglaya ng daan-daang bilanggo na nasa Israel.
Inaasahan rin ang pagdagsa ng tulong sa Gaza na kasalukuyang nakararanas ng taggutom.
Maliban dito, inaasahan naman ang pagdating ni U.S. President Donald Trump sa Israel upang ipagdiwang ang ceasefire.



