Pinabulaanan ng Independent Commission on Infrastructure ang viral post online na umanoy nagwala si Ex-DPH chief Sen. Mark Villar sa pagpunta nito sa komisyon.
Ayon sa ICI, fake news ang kumakalat sa social media ukol sa pagdalo sa pagdinig ni Villar na iniimbestigahan sa umanoy anomalya sa ahensyang dati niyang pinamunuan.
Samantala, walong abogado ng Public Attorneys Office ang inassign ng pao para tumulong sa transition period ng ICI.
Inaasahang sa susunod na anim na buwan ay tuwing Lunes lang papasok sa pao ang mga abogado habang Martes hanggang byernes naman ang kanilang trabaho sa ICI.

