Tinutulan ng International Criminal Court ang hiling ng depensa ni dating Pang. Rodrigo Duterte na mabigyan ng interim release o pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso niya sa mga kasong crimes against humanity.
Sa 23-page decision ng ICC pre-trial chamber sinabi ng tatlong hukom na nananatiling kailangan ang pagkakakulong ni duterte batay sa mga batas ng tribunal.
Ayon pa sa mga hukom, laman din ng pinag-aralan at sinuring desisyon ang contention ng mismong kampo ni Duterte kung saan tinututulan nito ang pagkaka-aresto sa kanya at tinawag na kidnapping kasama ang ginagawang apela ng kanyang pamilya kasama si Vice Pres. Sara Duterte na ibalik ang dating pangulo sa pilipinas.
Binigyang-diin ng korte na may malakas na suporta ni Duterte sa Pilipinas at may kakayahang lumabag sa mga kundisyon ng pagkakakulong kaya’t may peligro o banta na siya’y tatakas o manakot ng mga saksi.
ADVERTISEMENT
Iginiit ng mga hukom na ang usapin ng kanyang sinasabing cognitive impairment ay hindi nakaaapekto sa desisyon ng korte sa kanyang pagkakakulong.
Nananatiling nakadetine si Duterte sa the hague habang hinaharap ang mga kaso ng murder at attempted murder kaugnay ng kanyang war on drugs.

